INIIBIG KITA BUONG PUSO AT KALULUWA
This song has a different groove. The audience was actually singing and dancing along the tune of it when it was first performed onstage. The judges loved its being upbeat and very commercial. It’s concept was well appreciated as well. “When a person is going to write a song of praise, he needs to clean his heart beforehand. He needs to humble down. He needs to strengthen his belief in God to be able to come up with a worthy praise song,” the composer shared.
COMPOSER: Raul Trinidad
INTERPRETER: Brenan Espartinez
Panginoon ko,Ikaw ang Hari
Dinggin ang awit ng papuri
I
Panginoon ko, Ikaw ang nagbibigay
Ng liwanag dito sa aking buhay
Kaya ngayon ay nasisilayan
Ang ganda nito at kahulugan
II
Ikaw ang sandigan kung mayro’ng kalungkutan
Ikaw ang pag-asa noon at kailan pa man
Lagi kang nariyan hindi ako nililisan
Sa aking puso Ika’y nananahan
CHORUS
Nagpupuri ako sa Iyo, Oh aking Ama
Dinadakila ang pangalan Mo sa t’wina
Ikaw lang ang aking Dios
Ikaw lang ang sinasamba
Iniibig kita buong puso at kaluluwa
III
Panginoon ko, sa Iyo nagmumula
Ang mga natatanggap na biyaya
Basta’t kasama Ka ‘di ako nangangamba
Salamat sa Iyong mga pagpapala
IV
Ikaw ang lakas kapag ako’y nanghihina
Sa mga kalaban Ikaw ang aking sandata
Eto ang awit ko inaalay lang sa’Yo
Ngayo’y naririnig ng buong mundo
CHORUS
Nagpupuri ako sa Iyo, Oh aking Ama
Dinadakila ang pangalan Mo sa t’wina
Ikaw lang ang aking Dios
Ikaw lang ang sinasamba
Iniibig kita buong puso at kaluluwa
BRIDGE
Kung pagsubok man sa aki’y dumating
Sa tulong Mo ang lahat ng ito’y lilipas din
CHORUS
Nagpupuri ako sa Iyo, Oh aking Ama
Dinadakila ang pangalan Mo sa t’wina
Ikaw lang ang aking Dios
Ikaw lang ang sinasamba
Iniibig kita buong puso at kaluluwa
CHORUS
Nagpupuri ako sa Iyo, Oh aking Ama
Dinadakila ang pangalan Mo sa t’wina
Ikaw lang ang aking Dios
Ikaw lang ang sinasamba
Iniibig kita buong puso at kaluluwa
CODA
Iniibig kita buong puso at kaluluwa
Composer : Elmer Blancaflor and Romer Timbreza
Interpreter : Chad Borja
Composer : Melchor Morala and Jem Marquez
Interpreter : Jek Manuel
Composer : Juvic Anne Capistrano
Interpreter : Aicelle Santos
Composer : Paul Hildawa
Interpreter : Keith Martin
Composer : Wilfredo Zabala
Interpreter : Eva Castillo
Composer : RJ Jimenez
Interpreter : Miro Valera
Composer : Marlon Mendoza
Interpreter : Bayani Agbayani
Composer : Boy Christopher Ramos Jr.
Interpreter : Jonalyn Viray
Composer : Raul Trinidad
Interpreter : Brenan Espartinez
Composer : Rommel Gojo
Interpreter : Reymond Sajor
Composer : Nessey Armillo
Interpreter : Gian Gloria
Composer : Christian Obar
Interpreter : Gerald Santos