ALABOK

2nd Monthly Winner (October)
ALABOK
Composer: Jesmer Marquez


     

Lyrics

Sa bawat sandali ng aking buhay
Ikaw ang nais kong makasama
Sa piling Mo sana’y ‘wag nang mawalay pa
‘Di ko kakayanin ang mag-isa

Laging nariyan Ka
Kapag nalulumbay
Ikaw ang pag-asa at karamay
Laging nariyan Ka
Sa’ki’y umaakay
Sapat Kang lagi sa aking buhay

Ako’y mula sa alabok
Tinawag Mo’t kinupkop
Tinuruan ng aral Mo at hinubog
Ako’y mula sa alabok
Nagkukulang at marupok
Tuwina ay samahan sa bawat pagsubok

Kabutihan Mo’y hindi mapapantayan
Walang hangganang lingap at awa
Kagandahang loob ay nararamdaman
Panginoon, dahil kapiling Ka

Laging nariyan Ka
Kapag nalulumbay
Ikaw ang pag-asa at karamay
Laging nariyan Ka
Sa’ki’y umaakay
Sapat Kang lagi sa aking buhay

Ako’y mula sa alabok
Tinawag Mo’t kinupkop
Tinuruan ng aral Mo at hinubog
Ako’y mula sa alabok
Nagkukulang at marupok
Tuwina ay samahan sa bawat pagsubok

Hanggang ngayo’y nagmamahal pa rin
Pag-ibig Mo’y hindi magmamaliw
Nagbibigay pag-asa sa aking kaluluwa
Wagas na pagpuri aalayan Ka

Ako’y mula sa alabok
Tinawag Mo’t kinupkop
Tinuruan ng aral Mo at hinubog
Ako’y mula sa alabok
Nagkukulang at marupok
Tuwina ay samahan sa bawat pagsubok

Tuwina ay samahan
Palagi ng gabayan
Ikaw ang aking Dios
Magpakailanman
Magpakailanman
Magpakailanman

Song Story

“Overwhelmed” was how Bulaceño rookie composer Jesmer Marquez would describe his state of emotions the night his song “Alabok” was hailed song of the week.

“Nagpapasalamat ako sa Dios dahil kahit baguhan lang ako, pinagbigyan pa rin Niya yung kanta ko na manalo,” (I am thankful to God that even though I am a newbie in songwriting, He still gave my song a chance to win.”), said Marquez.

His song conveys that “ang tao ay mula sa alabok. Kahit na marupok tayo at nagkakamali, kinukupkop pa rin tayo ng Dios.” (Man is made from dust. Even if we err and are weak, God still cradles us.)

Marquez is also grateful for ASOP’s unique concept.

“Yung mga gusto mong sabihin para sa Panginoon, pagpapasalamat mo sa Panginoon sa mga biyaya, yung paggabay sa araw-araw na pamumuhay, nandito yung ASOP para makapagbigay ka rin ng inspirasyon at paalala sa tao na sa paggawa mo ng musika, hindi ka pababayaan ng Dios.”

(ASOP is here to be a venue for everyone to express what we want to say to God, gratitude for His blessings, guidance for every day…for a composer to be able to give inspiration and a reminder that because of the kind of music you make, God will not forsake you.)

Related Videos

2015 Finalists

DINGGIN MO OH DIOS

Composer : Cris Bautista
Interpreter : Reymond Sajor

ALABOK

Composer : Jesmer Marquez
Interpreter : Jeffrey Hidalgo

SABIK SA'YO

Composer : Joseph Bolinas
Interpreter : Ney Dimaculangan

WALANG HANGGAN

Composer : Benedict Sy
Interpreter : Maki Ricafort

JESUS,I LOVE YOU

Composer : Timothy Joseph Cardona
Interpreter : RJ Buena

MAHAL MO AKO

Composer : Maria Loida Estrada
Interpreter : Sabrina

KUNG PAG-IBIG MO'Y ULAN

Composer : Christian Malinias
Interpreter : Leah Patricio

DAKILA KA AMA

Composer : Ella Mae Septimo
Interpreter : Ruth Regine Reyno

IKAW NA LANG MAG-DRIVE NG BUHAY KO

Composer : Rolan Delfin
Interpreter : Bentong Sumaya

PAHINTULUTAN MO

Composer : Leonardo de Jesus III
Interpreter : Philippe Go

SALAMAT PO, AMA

Composer : Dennis Roxas
Interpreter : Jojo Alejar

PAKAMAMAHALIN DIN KITA

Composer : Dennis Avenido
Interpreter : Nino Alejandro