DINGGIN MO OH DIOS

1st Monthly Winner (September)
“DINGGIN MO OH DIOS”
Composer: Cris Bautista


     

Lyrics

Mga salang ’di mabilang Ikaw ang tumubos
Biyaya at pagliligtas iginawad Mong lubos
Dahil sa’Yong paglingap at pag-ibig na taos
Pagpapasalamat ng puso’y ‘di matatapos

Nananabik ang puso na Ika’y makapisan
Kadakilaan ng Iyong pangako sana’y makamtan
Pagdating ng sandaling aking inaasam-asam
Galak ng aking puso ay ‘di mapaparam

Dinggin Mo Oh Dios ang alipin Mo
Umaawit ng papuri inaalay sa’Yo
Umaasa, sumasamo na ipagsasama Mo
Sa ’Yong kahariang langit na s’yang pangarap ko

Ang Iyong kataasang sa akin ay umaabot
Sa tuwina ay inaalala na ako’y mula sa alabok
Sa pamamagitan ng mga salita Mong subok
Daing ng aking kaluluwa’y nabigyan ng sagot

Dinggin Mo Oh Dios ang alipin Mo
Umaawit ng papuri inaalay sa’Yo
Umaasa, sumasamo na ipagsasama Mo
Sa ’Yong kahariang langit na s’yang pangarap ko

Sapagkat Ika’y magandang loob at mapagpala
Banayad sa galit at hatol Mo’y ‘di matingkala
Gumagalang sa mababa, mapagbiyaya
Karununga’y ‘di malirip sa Iyong mga gawa

Dinggin Mo Oh Dios ang alipin Mo
Umaawit ng papuri inaalay sa’Yo
Umaasa, sumasamo na ipagsasama Mo
Sa ’Yong kahariang langit na s’yang pangarap ko

Dinggin Mo Oh Dios ang alipin Mo
Umaawit ng papuri inaalay sa’Yo
Umaasa, sumasamo na ipagsasama Mo
Sa ’Yong kahariang langit na s’yang pangarap ko

Sa langit Mong pangarap ko

Song Story

ASOP have crossed international seas, for deserving entries that give glory to God.

The composition of OFW Cris Bautista had landed on ASOP stage straight from Abu Dhabi. Finding inspiration despite being so far from his loved ones, Bautista was able to creat a song of thanksgiving to God.

“Gusto kong maiparating sa tao sa pamamagitan ng awit na ito na mahikayat ang mga tao na magpasalamat sa Dios. Kasi wala naman tayong ibang maibabayad sa Dios eh. Hindi naman natin kayang tumabasan ‘young Kanyang kabutihan.” (Through this song, I want to encourage everyone to give thanks to God. We have nothing that can equal God’s graciousness towards us.)

Written in deep Tagalog words that were almost unfamiliar to the judges, the song still scored a 92% in the monthly finals.

“Napaka-deep ng Tagalog, and yet it really touched my heart. As you hear it, you just want to keep saying ‘Thank you, Lord. Thank you, Lord,” said 80’s OPM icon Carla Martinez.

(He used deep Tagalog words yet the song touched my heart.)

“Para sa akin napakaganda ng kantang ito,” said OPM hitman Marco Sison.

(For me, this is a beautiful song.)

Related Videos

2015 Finalists

DINGGIN MO OH DIOS

Composer : Cris Bautista
Interpreter : Reymond Sajor

ALABOK

Composer : Jesmer Marquez
Interpreter : Jeffrey Hidalgo

SABIK SA'YO

Composer : Joseph Bolinas
Interpreter : Ney Dimaculangan

WALANG HANGGAN

Composer : Benedict Sy
Interpreter : Maki Ricafort

JESUS,I LOVE YOU

Composer : Timothy Joseph Cardona
Interpreter : RJ Buena

MAHAL MO AKO

Composer : Maria Loida Estrada
Interpreter : Sabrina

KUNG PAG-IBIG MO'Y ULAN

Composer : Christian Malinias
Interpreter : Leah Patricio

DAKILA KA AMA

Composer : Ella Mae Septimo
Interpreter : Ruth Regine Reyno

IKAW NA LANG MAG-DRIVE NG BUHAY KO

Composer : Rolan Delfin
Interpreter : Bentong Sumaya

PAHINTULUTAN MO

Composer : Leonardo de Jesus III
Interpreter : Philippe Go

SALAMAT PO, AMA

Composer : Dennis Roxas
Interpreter : Jojo Alejar

PAKAMAMAHALIN DIN KITA

Composer : Dennis Avenido
Interpreter : Nino Alejandro